Putin spox: Russia, di pa naabot ang military goals sa Ukraine

Inamin ng chief spokesman ni Russian President Vladimir Putin sa pagsasabing hindi pa naabot ng Russia ang anumang military goals sa Ukraine, at tumangging pasinungalingan na maaring gumamit ang Moscow ng nuclear weapons.

Una nang nagbigay ng hint si Putin hinggil sa pag-gamit ng nuclear weapons laban sa mga bansang tingin niya ay mayroong banta sa Russia.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kaugnay nito, sinabi ni Dmitry Peskov na ang “special military operation” — ang official euphemism ng Kremlin para sa invasion ng Russia sa Ukraine ay magiging mahigpit, alinsunod sa mga plano at ang mga layunin ay una nang nabuo.

Muling iginiit rin ni Peskov ang demand ni Putin na ang pangunahing layunin ng operasyon ay mawala ang military potential ng Ukraine, at matiyak na ito ay magiging “neutral country,” mawala ang “nationalist battalions,” para tanggapin umano ng Ukraine na ang Crimea na annex ng Russia noong 2014 ay bahagi ng Russia, at tanggapin na ang breakaway statelets na Luhansk at Donetsk ay independent states na.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Maliban dito, binigyang diin rin ni Peskov na inaatake lang ng Russia ang military targets, sa kabila ng maraming ulat ng Russian airstrikes laban sa mga sibilyan. //MHEL PACIA-TRINIDAD