Conor McGregor, naaresto dahil sa road traffic violation

Naaresto si dating UFC two-weight champion Conor McGregor dahil sa umano’y road traffic violations sa Dublin.

Ayon sa tagapagsalita nito, nagmamaneho si McGregor nang pahintuin ito ng gardai (Irish police force) dahil umano sa naturang paglabag.

Sa gitna nito, pumasa naman umano ang naturang boksingero sa drug at alcohol tests na isinagawa sa kanya.

Agad naman na nakalabas si McGregor matapos magpiyansa, pero haharap ito sa district court sa susunod na buwan. //MHEL PACIA-TRINIDAD