CAMARINES NORTE- Matagumpay na naidaos ang isang workshop/training para sa paggawa at pagsasaayos ng mga dokumento para maideklarang drug cleared ang mga barangay na kasama sa apektado ng illegal na droga sa bayan ng Daet
Ginanap ang naturang gawain nitong Nobyembre 17, 2021 sa Blue Rock, Brgy Magang Daet Camarines Norte.
Ito ay naisagawa sa pagtutulungan ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) Core Team at LGU Daet, MLGOO, Recovery and Wellness Program PNCO, Municipal Health Office at Municipal Social Welfare and Development ng bayan ng Daet katuwang ang PDEA-Cam Norte.
Layunin ng nasabing programa na magkaroon ng higit na partisipasyon ang mga barangay sa pagsasaayos ng mga talaan at paggawa ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) folders alinsunod na din sa itinakda ng batas.
Dumalo ang Dalawamput Limang (25) punong barangay, sekretarya at kagawad na nakatalaga bilang peace and order ng kada barangay.
Laking pasasalamat naman ng PDEA-Cam Norte sa nasabing workshop sapagkat eto ang kauna-unahang program na patungkol sa Barangay Drug Clearing Program na naisagawa at nagpapakita ng isang magandang ugnayan ng mga ahensya ng gobyerno lalo na ang kapulisan at ng mga barangay.
(photo courtesy of CNPPO)
