Booster shots sa A1 priority group sa Naga City umarangkada na

NAGA CITY-Umarangkada na nitong Biyernes ang pagbabakuna ng coronavirus disease (COVID-19) booster shot sa mga health worker at mga nasa A1 priority Group sa Naga City, venue ang Bicol Medical Center.

Ang mga kabilang sa A1 na ito ay ang mga unang naturukan ng Sinovac noong Marso at nakatanggap ng 2nd dose nitong Abril.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Nathalie Lazaro, Head ng Public Health Unit na parte rin ng BMC vaccination team, sinabing 600 na mga health workers at mga empleyado mula sa BMC, Naga City Hospital at St. John Hospital ang target turukan ng Pfizer booster, umaga pa lamang ay umabot na sa 453 ang nabakunahan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa kanilang assessment maganda ang response ng mga nasa A1 sa booster shots batid kasing delikado ang trabaho at kailangan ng dagdag na proteksyon.