Awareness lecture patungkol community anti – terrorism awareness matagumpay na naisagawa sa Capalonga

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ang mga tauhan ng Capalonga Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ Herculano Mago Jr ng Awareness Lecture tungkol sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) at Knowing The Enemy (KTE)

Isinagawa ang aktibidad noong Huwebes na dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams ng Barangay San Roque, Capalonga, Camarines Norte.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa naturang aktibidad ay tinalakay ang iba’t- ibang pamamaraan at pagpapakita ng tamang pagsasagawa ng pag- aresto.

Nabigyan rin ng pagkakataon ang mga dumalo na ipakita ang kanilang natutunan sa pamamagitan ng demonstration ng iba’t- ibang arresting technique.

Layon ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga mamamayan ukol sa CATA KTE at EO 70.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nais umano ng kapulisan na libutin ang lahat ng barangay sa bayan ng Capalonga para magsagawa ng parehong aktibidad.

Mababatid na ginagawa rin ang kahalintulad na gawain ng iba pang Police Stations sa lalawigan.