Pinaikli ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang validity ng employment permits na inisyu sa foreign at Filipino workers sa Philippine offshore gaming operators (POGOs) sector hanggang sa katapusan ng taon.
Sa anunsyo ng PAGCOR, sinabi ng gaming industry regulator na inaprubahan ng Board of Directors noong August 15 ang adjustment ng valididty ng permit ng POGO workers o yung Offshore Gaming Employment License (OGEL).
Para sa mga Filipino OGEL holders, ang orihinal na validity ay tatlong taon mula nang iisyu ito.
Ngayon, pinaikli na ito ng hanggang sa December 31,2024 na lang.
Para naman sa mga foreigners, ang OGEL ay orihinal na mapapaso dapat hanggang sa validity ng work visa o work permit na inisyu sa empleyado.
In-adjust na rin ngayon ito hanggang sa katapusan ng taon.