Konstruksyon ng temporary bridge para sa rehabilitasyon ng EDSA-Guadalupe Bridge, sisimulan sa January 2025

Sisimulan na ngayong January 2025 ang preliminary work para sa pagpaplano ng temporary bridge para sa rehabilitasyon ng EDSA-Guadalupe Brigde.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, tatagal ang pagpaplano ng tatlo hanggang apat na buwan habang tatagal ang konstruksyon ng temporary bridge ng 10 buwan.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dagdag pa ni Artes, hanggat hindi nagagawa ang temporary bridge ay walang pagsasarang magaganap.

Nilinaw naman ni Artes na, ang dalawang outer lanes lamang ng EDSA-Guadalupe bridge ang isasara at mananatiling bukas ang inner lanes.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Kaugnay nito, magkakaroon naman ng traffic rerouting plan dahil maraming motorista ang maapektuhan.

Tatagal naman ang konstruksyon ng outer bridge ng 17 buwan.

Paliwanag ni Artes, ang rehabilatasyon ay kinakailangan bilang preparasyon kung sakaling dumating ang the big one.