Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagsasampa ng kasong attempted homicide sa driver ng pulang SUV na kumaladkad sa enforcer nito sa Taguig City.
Sa pulong balitaan, sinabi ng MMDA enforcer na sinusubukan lamang niyang ayusin ang alitan sa pagitan ng driver ng pulang sasakyan at nakabanggaan nitong motorista.
Ayon pa sa enforcer, sinubukan niyang pahintuin ang driver ng SUV para tanungin ano nangyari pero sinigawan raw siya nito at sinabing nagmamadali sya.
Aniya, binangga-bangga raw siya ng driver at akmang sasagasaan kaya humawak siya sa hood ng sasakyan at nakaladkad.
Humarap na rin ang driver sa MMDA kaninang umaga at humingi na ng kapatawaran sa nangyari.
Samantala, wala namang planong patawarin ng enforcer ang driver na kumaladkad sa kanya dahil nais nitong pagbayaran ang ginawa nito.