Pribadong unibersidad sa Cebu, binulabog ng ‘bomb threat’

Nagbabala ang Cebu City Police Office sa nag-post online ng ‘bomb threat’ sa pribadong unibersidad sa Cebu City.

Matatandaang nabulabog ang klase ng mga estudyante dahil sa naturang post pasado alas 06:00 ng umaga ng Martes, Agosto 13, 2024.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kaagad namang nagtungo sa area ang Explosive Ordinance Division, SWAT Team at CIDG.

Matapos ang pagsusuri ng mga otoridad sa buong paaralan, alas 10:00 ng umaga ideneklarang ‘cleared’ sa bomb threat ang nasabing unibersidad.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Agad na ibinalik sa normal ang mga klase sa katabing establisyemento.

Ayon sa kapulisan sasampahan ng kaukulang kaso ang responsable sa nasabing pananakot.