Wildfire sa Itogon, Benguet, patuloy pa ring inaapula

Umabot na sa 12 ektarya ng kagubatan ang apektado ng nagpapatuloy na wildfire sa Itogon, Benguet.

Ayon sa Philippine Air Force (PAF), patuloy pa rin nilang inaapula ang apoy na nagsiula sa Barangay Dalupirip ng naturang bayan.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Nitong Sabado pa lamang ay nag-umpisa nang apulahin ang wildfire.

Ipinadala na rin ang dalawang mga choppers ng PAF, at mga personnel mula sa 505th Search and Rescue Group.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa naging mitsa ng sunog.

Wala namang nasugatan sa wildfire.