WHO, nagdeklara ng global health emergency dahil sa monkeypox

Idineklara na ng World Health Organization bilang global health emergency ang monkeypox outbreak sa Africa.

Ito’y matapos na lumubo ang kaso ng mpox sa iba’t ibang lugar sa Africa.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Mababatid na nagdeklara ng Public Health Emergency ang Africa Center for Disease Control and Prevention matapos makapagtala ng mahigit 17,000 na kaso ng mpox mula ng pumasok ang taong 2024.

Ayon sa WHO, naipapasa ang naturang virus sa pamamagitan ng close contact ganun din ang paggamit ng mga bagay na ginamit ng mga nadapuan ng virus.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng trangkaso, sakit sa ulo, muscle at back pain, pamamantal ng katawan, pamagaga ng mukha, at panghihina ng katawan.