Filipino Olympians – mainit na sinalubong!

Kasing init ng panahon ang pagsalubong ng ating mga kababayan sa mga atletang lumahok sa 2024 Paris Olympics para sa kanilang Heroes’ Homecoming Parade.

Nagsimula ang parada kaninang alas tres ng hapon sa Aliw Theater sa Pasay, hiyawan at palakpakan ang ibinigay para sa mga bagong bayani na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Bitbit ang bandila ng ating bansa, proud na proud itong iwinagayway ng ating mga kababayan para ipagdiwang ang Filipino Pride lalo na ang pagkapanalo ni two-time olympic gold medalist Carlos Yulo at bronze medalist Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Sakay ng isang float, kitang kita ang tuwa at ngiti sa mga labi ng mga atletang Pinoy na sumama sa parada dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng ating mga kababayan.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Sa ngayon ay tuloy tuloy ang parada at inaasahang na makakarating ng Rizal Memorial Sports Complex ng alas singko ng hapon ang mga Pinoy Olympians para parangalan.
#