Dismayado ang Pilipina Olympian golfer na si Dottie Ardina sa tila pagbaliktad aniya sa kanya kaugnay ng viral video ng paglalabas niya ng hinaing sa kakulangan ng gamit sa Olympics.
Sa ina-upload ni Ardina pinapakita niya na manu-mano niyang nilalagay ang Philippine flag sa kanilang damit.

Ayon kay Ardina may nagpapatanggal ng kanyang video.
Sinabi pa ng atleta na tila sinisisi siya sa paglaki ng siyu
Paglilinaw ni Ardina walang dumating na computation uniform para sa kanila.
Ang dumating lang umano ay mga shirt na hindi pang golf.
Maliban dito wala rin aniyang binigay na mga golf ball, head cover, gloves at golf ambrela.
Panawagan ni Ardina na sana ay hindi na maulit ang ganitong sitwasyon at magkaroon ng mas maaayos na komunikasyon at sana rin aniya wala ng atletang Pilipino na magmukhang busabos