White House pinasinungalingan ang balitang may malubhang sakit si US Pres. Biden

Pinasinungalingan ng White House ang kumakalat na balitang may malubhang sakit si US President Joe Biden.

Ayon pa sa White House, hindi ginagamot para sa Parkinson’s disease ang presidente, matapos lumabas ang mga ulat na may isang doktor na bumibisita sa White House ng walong beses sa nakaraang taon.

Sa isang briefing, tumangging kumpirmahin ng White House press secretary na si Karine Jean-Pierre ang pagbisita ni Cannard, sinabing nais niyang igalang ang kanilang privacy.

Sinabi ni Pierre na tatlong beses nang nagkonsulta si Biden sa isang neurologist kaugnay ng kanyang annual physical. (BRIGADA NEWS INTERN-JHALDEA RULONA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *