Kathryn Bernardo, nagpakita ng revenge body sa isang fitness show

Trending ang isang video pasabog ng isang Super Star at bagong Superbods na Kathryn Bernardo sa isang fitness show.

Marami ang nagulat sa pinakitang performance ng aktres at sumasayaw sa himig ng Training Season ng British pop star na si Dua Lipa, na  choreograph ng dance group na G-Force at ang founder at head ng grupo na si Teacher Georcelle.

Ayon kay Kathryn, matagal nilang pinagpraktisan at pinaghandaan ito, dahil napakaespesyal ito para sa kanila, at napaka grateful niya dahil sa naging resulta ng pagpeperform nila.

Laking pasasalamat din niya dahil sa pinakitang dedikasyon ng mga kasama niya kaya kinongrats niya ang lahat ng mga nakilahok at dumalo noong gabing iyon.  (BRIGADA NEWS INTERN-HANNAH MAGNAYE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *