Inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ngayong taon ay bumaba ang naiuulat sa kanilang mga welfare cases ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon sa tanggapan, ito umano ay dahil mas napapalakas ang Pre-Departure Education Program (PDOS) sa mga mag-aabroad, kung saan dumami rin ang nakikiisa.
Dagdag pa nito, sa ilalim ng nasabing programa ay hindi lamang ang mga mag-aabroad ang hinihikayat nila na mag-avail kundi maging ang mga maiiwan o ang mga kapamilya ng mga ito.
Sa pamamagitan nito ay nalalaman ng kanilang pamilya kung ano ang mga bagay na susuungin ng mga OFWs abroad.
Dahil din umano sa PDOS at iba pang mga kasanayang ibinibigay ng OWWA tulad ng mga kalinawan sa iba’t ibang isyu tulad ng illegal recruitment, ay nabibigyan sila ng kaalaman kung paano maiiwasan ang iba’t ibang mga kaso ng pang-aabuso.