Bilang ng mga napuputukan sa Bicol region, tila tumataas – DOH Bicol

Hindi pa masabi sa ngayon ng kaparehong ahensya kung malalampasan ng Bicol ang datus o bilang ng mga naputukan ngayong taon kaysa noong nagdaang mga taon.

Ito ang binigyan diin ni Sam Banico, Senior Health Program Officer ng nasabing tanggapan sa Brigada News FM Legazpi.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa nakikita ni Banico, tila mas tumataas umano ang bilang ng mga napuputukan ngayon kung ikukumpara noong nakaraan.

Nagbigay na rin ng abiso ang ahensya sa mga LGU ukol sa dumaraming kaso ng mga napuputukan subalit hindi na nila kontrolado ang pagbigay ng permit o pagbebenta ng mga paputok sa kanilang nasasakupan. Sinabi pa ng opisyal, ang tanging magagawa na lamang ng DOH ay ang adbokasiya sa kampanyang iwasan ang paggamit ng mga paputok at panawagan nito na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng bagong taon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Aniya, isa pa sa nakakadagdag ng bilang ng mga naputukan ay ang improvise canon o boga na ginagamit ng mga kabataan.