Weightlifter Rose Jean Ramos, nasungkit ang gold medal sa Mexico

Nasungkit ng weightlifter mula Zamboanga na si Rose Jean Ramos ang gold medal sa women’s 45-kilogram division ng IWF Youth World Championships.

Ito’y ginanap sa Leon, Mexico kung saan nabuhat niya ang 85 kilos o doble sa kanyang timbang.

Matatandaang naiuwi din ni Ramos ang silver medal sa isang snatch kung saan isang kilo lang ang naging lamang ng kanyang kalaban na nag-uwi ng ginto.

Samantala, ang kanyang coach na si Allen Diaz ay tiyuhin ni Tokyo Olympic gold medalist Hidylin Diaz.

(ARGIE ERGINA)