Exhibition match ng Pilipinas at Japan, nakansela dahil sa health protocols

Nakansela ang exhibition match ng Philippine men’s team at Japan na gaganapin sana sa FilOil Flying V Centre sa San Juan dahil sa health at safety protocols.

Ang naturang exhibition match ay isang side event ng on-going men and women Volleyball Nations League Week 2 sa Araneta Coliseum.

Humingi naman ng paumanhin ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa mga fans na nag-aabang sa nasabing match.

Samantala, iaanunsyo ng Ticketnet kung kelan pwedeng i-refund ang ticket ng mga manunuod sana sa exhibition game. (ARGIE ERGINA)