Inanunsyo ni US President Joe Biden na muli silang nagbigay ng 1 billion dollars na halaga ng military aid sa bansang Ukraine.
Siniguro niya ang kanilang suporta kay Ukraine President Volodymyr Zelensky laban sa giyera na sinimulan ng Russia.

Kabilang sa mga bagong armas ang artillery, coastal anti-ship defense systems, ammunition for artillery at advanced rocket systems.
Samantala, magbibigay din si Biden ng 225 million dollars na halaga ng humanitarian assistance sa naturang bansa para sa pagkain, tubig at medical supplies. (ARGIE ERGINA)