Water samples kinuha sa Mt. Isarog para pag-aralan ang aktibidad ng bulkan

NAGA CITY – Isinasagawa ngayon ng ilang mga personahe ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology Central Office ang water sampling mula sa  hot and cold spring sa Mt. Isarog sa pangunguna ni Dr. Raymund Maximo, Science Research Specialist.

Noong araw pa ng Biyernes, nagsimulang umakyat sa Mt. Isarog sina Dr. Maximo para sa pagkuha ng mga water samples.

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Ipinaliwanag niya ang totoong sitwasyon ng Mt. Isarog na kinokonsidera nilang active volcano o buhay na bulkan subalit sa kanilang inisyal na pag-eksamin at pag-obserba hindi pa ito nagpapakita ng anumang abnormalidad, tahimik lang aniya ito.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Nilinaw din niya ang matagal ng usapin o isyu hinggil sa tubig daw ang laman ng Mt. Isarog kung sasabog ito. Lava at mga pyroclastic materials pa rin ang ibubuga sakaling dumating ang panahong sumabog nga ito.

Sa talaan ng DOST – PHILVOLCS huling sumabog ang Mt. Isarog sa pagitan ng 1050 at  1200 AD.