LEGAZPI CITY – Tumanggap ng aabot sa 130 set ng fishing gears ang mga mangingisda sa mga coastal municipalities sa lalawigan ng Albay.
Ang proyektong ito ay nasa pangunguna ni Provincial Agriculturist, Cheryll Rebeta, ng Provincial Agricultures Office sa pamamagitan ng Fisheries Division, upang mabigyan ng suportang pangkabuhayan ang mga mangingisda mula sa 13 mga bayan na napili bilang mga benepisyaryo ng partial distribution na ginanap sa AFB Ville, Cabangan, Camalig, Albay.
Ang bawat bayan ay nakatanggap ng limang hook and line, at limang gillnets, na nagkakahalagang PHP3,000-PHP4,000.
Bukod pa rito, tiniyak din sa mga mangingisda nakikipagtulungan ang APAO sa pamahalaang panlalawigan upang magbigay ng karagdagang suporta sa kabuhayan sa darating na Fish Conservation Week.