Warriors namumuro na sa NBA Championship matapos tibagin ang Celtics sa Game 5

Isang panalo na lang ang kailangan ng Golden State Warriors para muling hirangin bilang NBA Champion.

Napigilan ng Golden State ang 16-point comeback attempt ng Celtics sa pamamagitan 4th quarter run sa Game 5 ng 2022 NBA Final series, 104-88.

Nagawa pang lumamang ng Boston, 74-72, sa huling bahagi ng ikatlong yugto ng laro subalit agad din itong binawi ni Jordan Poole sa pamamagitan ng buzzer beater three sa pagtatapos ng 3rd quarter.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Mula dito ay hindi na pinaporma ng 6-time NBA champion ang Celtics para kunin ang bentaha sa serye 3-2, sa kabila ng malamig na shooting ni Steph Curry sa kanyang 0 out of 9 sa tres.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Nanguna sa scoring para sa Warriors si Andrew Wiggins sa kanyang 26 puntos at 13 rebounds, habang may 21 points naman na naimbag si Klay Thompson.

Umiskor ng 27 puntos si Jayson Tatum para sa Boston na nahaharap sa do-or-die Game 6 sa kanilang home court sa Biyernes.