CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 95 kaso ng dengue ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte mula Enero 1 hanggang Hunyo 4 nitong taon.
Ito ay makaraang madagdagan ng 17 kaso ang 77 sa period covered na Enero 1 hanggang Mayo 21 ng taong kasalukuyan.
Batay sa datos ng Department of Health, ang Daet ang may pinakamaraming kasong naitala na mayroong 32 na sinusundan ng Basud na may 14 at Labo na mayron namang 12.
Isa lang ang naitalang kaso sa Capalonga sa nabanggit na panahon.
Wala namang napaulat na namatay sa nabanggit na panahon.
Para maiwasan ang Dengue ipinapayong gawin ang 4S strategy na Search and destroy mosquito breeding sites, use Self-Protection Measures, Seek early consultation, and Say yes to fogging kung mayroong impending outbreak o hotspot sa isang lugar.
Importanteng malinis palagi ang kapaligiran upang masigurong walang pwedeng pamahayan ang lamok na carrier ng Dengue.
Pinangangambahan naman ang lalo pang pagtaas ng kaso ng Dengue sa panahon ng tag- ulan.
