Warriors, Bucks wagi sa season opener ng NBA

Muling ipinakita ng NBA defending champion Milwaukee Bucks ang kanilang lakas matapos ilampaso ang powerhouse na Brooklyn Nets sa opening games ng NBA 2021-2022 season.

Ipinaramdam ng Bucks na sila pa rin ‘team to beat’ sa pamamagitan ng 127-104 win.

Humakot ng 32 points si reigning MVP Giannis Antetoukounmpo habang tig-20 puntos naman ang inambag ni Khris Middleton at Pat Connaughton.

Samantala 32-points naman ang ibinuhos ni Kevin Durant para sa Nets.

Sa ibang laro, tinalo naman ng Golden State Warriors ang Los Angeles Lakers sa score na 121-114 .

Nanguna sa panalo ng GSW si 2-time MVP Steph Curry magtapos magtala ng triple-double performance 19 points, 10 rebounds at 10 assists.