BICOL—Pumalo na sa 1,323 ang death toll ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 23 na mga bagong kaso ng pagkasawi. 15 nito ay mula sa Camarines Sur, anim sa Sorsogon at tig-isa ang Camarines Norte at Naga City.
Samantala, 274 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na nadagdag kung saan 116 nito ay mula sa Albay. 29 ang mula sa lungsod ng Legazpi, 28 sa Guinobatan, 15 sa Daraga, 12 sa Polangui, pito sa Ligao City, lima sa Tabaco City, tig-apat ang Camalig at Tiwi, tatlo sa Sto. Domingo, tigdalawa ang Libon at Malilipot at tig-iisa ang Bacacay, Malinao, Manito, Oas at Rapu-rapu.
95 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan 19 nito ay mula sa Naga City, siyam sa Iriga City, walo sa Calabanga, pito sa Nabua, anim sa Garchitorena, tiglima ang Pili at Tigaon, apat sa Canaman, Lagonoy, San Jose at Siruma, tatlo sa Buhi, Milaor at Pamplona, dalawa sa Bula, Cabusao at Gainza at tig-iisa ang Bato, Goa, San Fernando, Sipocot at Tinambac.
Ang Sorsogon ay nagtala ng 28 bagong kaso kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, anim sa Pilar, tigtatlo ang Gubat at Irosin, tigdadalawa ang Bulan, Casiguran at Castilla at tig-iisa ang Bulusan, Juban at Sta. Magdalena.
17 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Daet, tigdadalawa ang Jose Panganiban, Labo at Vinzons at tig-iisa ang Basud, Mercedes, San Lorenzo Ruiz at Sta. Elena.
Ang Masbate ay may 12 bagong kaso kung saan tatlo nito ay mula sa Aroroy, tigdadalawa ang Masbate City, Milagros at Mobo at tig-iisa ang Baleno, Balud at Mandaon.
Anim ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan dalawa nito ay mula sa Pandan at San Miguel at tig-isa ang Virac an San Andres.
Sa kabuuan ay pumapalo na sa 42, 816 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol region mula nang magsimula ang pandemya.
Samantala, patuloy pa ang validation sa bilang nga mga bagong gumaling at ilalabas na lamang ang ulat hinggil dito sa mga susunod na oras.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm