Wanted na South Korean national, naharang sa NAIA

Naharang ng Bureau of Immigration sa NAIA ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil pagkakasangkot nito sa counterfeit currency trading.

Kinilala ang suspek na si Jang Junseok, 26 years old.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nakatanggap sila ng warrant of arrest mula sa South Korea na inisyu laban kay Jan noong Pebrero.

Inilarawan siya ng mga awtoridad na isang professional counterfeit currency user na namemeke ng South Korean bank notes.

Si Jang ay mayroong anim pang hatol sa kahalintulad na kaso ngunit nakalabas ito sa pamamagitan ng parole pero patuloy pa rin ang kanyang pamemeke ng bank notes.

Sinabi ng mga otoridad na ang presyo ng currency notes na kanyang umano’y pinepeke ay mahigit 30 million won o katumbas ng US$22,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *