MIAA, nakahanap na ng solusyon para maresolba ang power fluctations sa NAIA 

Naghahanap na ang Manila International Airport Authority (MIAA) na magpaparenta ng mga generators para maresolba ang mga isyu sa kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, tinitingnan ng  airport management ang isang generator na maaaring makaapgbigay ng anim na megawatts upang  matugunan ang power supply fluctuation na nakakaapekto rin sa air-conditioning system sa NAIA, partikular sa Terminal 2.

Bagama’t gumagana pa rin ang air conditioning units sa NAIA Terminal 2, sinabi ni Ines na mayroon pa ring mga isyu na nararanasan ang mga pasahero kabilang ang mahinang aircon dahil sa hindi sapat na supply ng kuryente.

Itinuturing ito na isang mahalagang isyu ng MIAA lalo na sa gitna ng init ng tag-init. Humingi rin ito ng paumanhin sa mga naapektuhan ng abala sa NAIA at nangakong pagbutihin ang karanasan ng mga pasahero sa mga susunod na ilang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *