Mga Pinoy sa New York, spotted sa mga screens bilang mga virtual cashiers

Umani ng sari-saring reaksyon ang mga makikitang Pilipino sa New York na nagtatrabaho bilang mga virtual cashiers.

Imbis kasi na personal mo silang nakikita sa ilang restaurant establishments sa New York City sa USA, nasa loob lang sila ng mga TV screens upang i-welcome ang mga customers.

Via-Zoom ang set up ng mga Pilipinong ito, na nagta-trabaho ng online dito sa Pilipinas.

Bagama’t magkaiba ng timezone, real time na makakausap ng mga customers ang mga cashiers upang i-assist nila ito sa pinaka magandang service.

Ayon sa netizens, nakakalungkot na kailangang patusin ng mga Pilipino ang trabahong ito, na parang kinain na tayo ng teknolohiya at binabayaran ng mas mababa sa minimum wage sa Amerika.

Ngunit depensa naman ng iba, kahit mas mababa sa minimum wage sa Amerika ang kanilang kinikita, mas malaki pa rin ito sa sweldo dito sa ating bansa.

Bonus pa na work-frome home ang set up, kaya’t maraming mga Pilipino talaga ang pumapasok sa industriyang ito.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *