WALUMPO’T LIMA HANGGANG ISANGDAAN AT ANIM NA BAYAN SA CALABARZON, DEKLARADO NANG ‘PINK AREAS’ NG DA-CALABARZON

Batangas City – Deklarado nang ‘pink areas’ ang nasa walumpo’t lima hanggang isangdaan at anim na mga bayan sa CALABARZON Region.

Ayon sa Department of Agriculture Calabarzon, ito ay ang mga bayan na wala nang naitatalang kaso ng African Swine Fever o ASF.

Sinabi ni Dr. Linda M. Lucela na maaari nang maglabas ng mga baboy ang mga munisipalidad mula sa CALABARZON patungong Metro Manila.

Ayon naman kay Regional Executive Director, Fidel L. Libao, pumapangalawa ang Calabarzon pagdating sa produksyon sa baboy.