Nahuli ang walong dayuhan sa isang raid sa Muntinlupa City na pinaniniwalaang sangkot umano sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon sa Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI), at National Bureau of Investigation (NBI), nakumpiska ang mga gadget na ginagamit ng mga suspek sa kanilang scam activities.
Kaugnay nito, nahuli ang tatlong Chinese na suspek sa isang bahay habang apat pang Chinese at isang Vietnamese na suspek ang nahuli sa ikalawang bahay.
Sa ngayon, tinutukoy ng mga otoridad ang koneksyon ng mga suspek sa isang POGO hub sa Porac, Pampanga.
Samantala,ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI.