Nagpatupad ng price freeze sa mga basic necessities ang Department of Trade and Industry Philippines (DTI) sa mga lugar na nakasailalim sa state calamity dahil sa Bagyong Kristine.
Simula kahapon, isinailalim na sa state of calamity ang Albay province, at ang bayan ng Magpet sa Cotabato.
Kasunod ito ng malawakang pagbaha at landslide na naranasan sa lugar.