Arestado na ang suspek sa pagpatay sa local broadcast journalist sa Barangay Tumaga, Zamboanga City na si Maria Vilma Rodriguez.
Ayon kay PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo ,ngayong araw isasailalim sa inquest proceedings ang nahuling suspek na kamag-anak din nito.
Bago maganap ang pagpatay kay Rodriguez, nagkaroon daw ito ng mainit na pakikipagtalo sa suspek na ang ugat ay awayan sa lupa.
Si Rodriguez, ay binaril ng 3 beses ng suspek sa harap mismo ng kanyang pamilya kung saan nagawa pa itong maisugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.
Nagpa-abot na rin ng pakikiramay ang 89.9 Brigada NewsFM Zamboanga at ang buong pamunuan ng Brigada Group sa pagkamatay ng mamamahayag.
Kinundena na rin ng NUJP-Zamboanga ang insidente.