“Wall of Flowers” itinayo sa Lviv bilang pag-alala sa mga Ukrainians na namatay sa giyera

Nagtayo ng “wall of flowers” sa western city ng Lviv bilang pag-alala sa mga Ukrainians na namatay sa pagsalakay ng Russia.

Ayon sa creator nito na si Leo Sotto na nagmula pa sa Florida USA, ito ay itinuturing niyang “wall of hope”.

Gamit ang mga artificial na bulaklak na galing Poland, makikita din sa memorial ang mga larawan ng mga Ukrainian soldiers at civilian na namatay sa giyera.

Agaw-pansin at kasama din sa memorial wall ang 11-anyos na gymnast na si Kateryna Diachenko na nasawi matapos tamaan ng missile ng Russia ang bahay nito sa Mariupol city.

Patuloy namang dinadagsa ng mga tao ang memorial wall bilang pakikiramay at pag-alala sa mga nasawi