LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang Overseas Workers Welfares and Administration (OWWA) Bicol sa mga nagbabalak umuwi ng bansa na Overseas Filipino Workers (OFW) dahil sa gyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Regional Director Jenevie Diaz Arguallo ng OWWA Bicol, maaaring maramdaman ng mga Ofw ang pagbagsak ng pera o currency sa nasabing bansa dahil sa ipinataw na economic sanctions ng estados unidos.
Dahil dito, posible umano magsipag-uwian na lamang umano ang mga ofw dahil sa pagkalugi ng mga ito.
Karamihan rin sa mga ofw ay walang ipon na dalang pera papauwi ng bansa dahil sa hindi nila inaakala na magkakaroon ng gyera.
Dagdag pa nito, mas malaki kasi ang minimum wage salary ng domestic helpers sa european countires kumpara sa ibang bansa na umaabot lamang ito sa 400 dollars o P20K.
Sinabi ng opisyal, nakahandang tumulong ang tanggapan sa mga OFW na mabigyan ng financial assistance ang mga ito.