LEGAZPI CITY – Inaasahan na ito ng Department of Education (DEPED) Bicol na maglalabas ito ng reports tungkol sa usaping edukasyon simula ng umupo si Pangulong Rodrigo Duterte at Sec Eleonor Magtulis Briones sa implementasyon ng edukasyon ngayon pandemya.
Ayon kay Mayflor Jumamil, DEPED Bicol spokesperson, hindi itinatanggi ni Sec. Briones na maraming pinagdaanan ang tanggapan sa panahon ng pandemya.
Kasama rito ang pagbabago pagdating sa curriculum, mga estratehiya at interbensyon na ginawa para lang maipagpatuloy ang pag-aaral ng bata.
Dagdag pa nito, maging ang kaligtasan ng mga mag-aaral, pamilya at guro ay prayoridad ng ahensya laban sa Covid-19.
Sinabi pa ng opisyal, hindi naman tumitigil ang DEPEd sa mga pagbabago sa edukasyon para matugunan ang pangangailangan ng mga bata kahit mayroong pandemya.