Walk for Justice ginawa para sa 12-anyos na natagpuang patay sa Libmanan, Camarines Sur

NAGA CITY- Tirik man ang sikat ng araw hindi nagpadala ang mga kaanak at kakilala ng 12-anyos na batang babaeng natagpuang patay sa Libmanan Camarines Sur, mas nangingibabaw sa kanila ang lungkot sa pangyayari at galit sa sinumang responsible sa krimen.

Linggo ng umaga  Enero 8, 2023 nagtipon ang mga kaanak, kakilala at kamag-aral ni Julie Ann Berzuela ng Mambulo Nuevo Libmanan para sa isang Walk For Justice.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Isa sa mga dumalo ang kaniyang ama na si Julian na hindi naitago sa mga mata ang labis na kalungkutan para sa kaniyang bunsong anak.

P30K ang inisyal na pabuya mula sa isang konsehal sa makapagtuturo sa suspek.

Sinabi naman ni Punong Barangay Arnel Agpor na may mga person of interest na sa kaso at irerequest nito sa imbestigaror na ang lahat ng mga kalalakihan ay imbestigahan para sa madaling pagkakatukoy at pagkakahuli ng suspect.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Matatandaan na si Julie Ann ay ang dalagitang natangpuang wala ng buhay malapit sa may ilog sa Sitio Puricot ng Mambulo Nuevo Libmanan Camarines Sur noong Disyembre 28 matapos na mawala noong araw ng pasko.

Naniniwala ang ilan na ginahasa ang biktima, dumaan na ito sa medical examination upang malaman pa ang sanhi ng pagkamatay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen.