Mga debotong nakiisa sa Pista ng Nazareno sa Naga tinatayang umabot sa 15,000

NAGA CITY – Aabot ng sampu hanggang labinlimang libo na mga deboto ang nakiisa o dumalo sa Pista ng Itim na Nazareno sa Naga City kahapon Enero 9, 2023.

Sa tala ng Central Communication Center aabot sa sampung libo, sa record naman ng Public Safety Office (PSO)  na nagbantay din sa ruta ng prusisyon at sa mga kalsada malapit dito ay aabot pa sa labinlimang libo.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Sa Assessment naman ng Naga City Police Office, matahimik at walang naitalang anumang kaguluhan kaugnay ng kapyestahan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon kay PCOL. Nelson Pacalso City Director ng NCPO, resulta ito ng maagang Deployment ng mga kapupulisan sa lungsod, partikular na sa daraanan ng prusisyon.

Tinutukan din ng PNP ang daloy ng trapiko sa pinaglakan ng imahen kung saan nagkaroon ng pahalik na dinagsa ng mga deboto.