Wala pang bagong DepEd Secretary

Inamin ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi naging madali ang ginagawa niyang pagpili para sa susunod na Kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito nga’y kasunod ng resignation ni Vice President Sara Duterte sa Gabinete ng administrasyon, na magiging epektibo sa July 19.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa isang ambush interview, sinabi ni Marcos na nahirapan daw siyang pumili dahil napaka-komplikado ng trabaho sa DepEd.

Hindi raw sila nagkaroon ng shortlist, at kinokonsidera nila ang lahat ng mga posibleng susunod na secretary.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sabi ng Pangulo, dapat ang susunod na kalihim ay subok na at may kakayahan na i-manage nang maayos ang Kagawaran.

Kung maaaalala – unang sinabi ni Marcos na dapat ay ngayong linggo na maaanunsyo ang papalit kay VP Sara.