Universal Healthcare Law, bahagi ng inisyatiba ng gobyerno para matiyak komprehensibong health services – liderato ng Kamara

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpapanibago ng administrasyong Marcos sa pagtutok sa healthcare bilang “top priority” ng gobyerno.

Ayon kay Romualdez, consistent ang pangulo sa pagbibigay-diin na ang kalusugan at well-being ng bawat Pilipino ay isang karapatan at pundasyon ng agenda anuman ang economic status.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa pamamagitan aniya ng mga inisyatiba tulad ng Universal Healthcare Act, nagsusumikap ang pamahalaan na magkaloob ng komprehensibong health services na accessible at abot-kaya.

Giit ng Speaker, mahalagang hakbang ito lalo’t humaharap sa mabigat na hamong pinansyal ang mga mahihirap dulot ng pagkakasakit.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Inihalimbawa ni Romualdez ang “cancer care” na lubhang napakalawak ng saklaw kung saan bukod sa information at education initiatives sa barangay level, kailangan din ang psychological support para sa mga pasyente at “survivors”.

Bawat isa ay may papel umanong ginagampanan hanggang sa aktwal na pagpapagamot upang mapagtagumpayan ang karamdaman.