Inaaral na ng gobyerno ang pagkakaroon ng expiration sa vaccination cards para mahikayat ang publiko na magpa-booster shot laban sa Covid-19.
Sinabi ni Interior Undersecretary Epimaco Densing na kinukunsidera nila ang ‘six-month’ expiration sa mga vaccination cards – paraan para dumami pa ang mga matuturukan ng booster doses.
Aniya, maaari umanong mag-expire ang vaxx card ng isang indibidwal sa loob ng anim na buwan kung hindi ito magpapa-booster.

Sa ngayon, aabot na aniya sa 12M ang mga nabakunahan ng booster shots.