Vulnerable groups,uunahin sa rollout ng bivalent vaccines sa bansa

Ipa-prayoridad ng Department of Health ang mga healthcare workers, senior citizens at mga indibidwal na may comorbidities sa rollout ng bivalent vaccines sa bansa.

Ang pagbibigay prayoridad sa vulnerable group ay naaayon sa mga kondisyon na itinakda ng COVAX facility na magdo-donate ng humigit-kumulang 1 million doses ng Pfizer’s bivalent COVID-19 vaccine.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ang mga donasyong bakuna ay inaasahang darating sa bansa bago matapos ang buwan ng Marso.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Ayon sa DOH, mayroon nang mahigit 73.8 million individuals o 94.5 % ng target population ng bansa ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19. Gayunpaman, 21.3 million lamang rito ang nabakunahan ng booster shot.//CA