Amnesty International , nanawagan ng independent investigation sa Lapid slay case

Nanawagan ang Amnesty International ng independent at walang kinikilingang imbestigasyon sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor.

Sa isang pahayag, hinikayat ng grupo ang gobyerno na gawin ang lahat ng naaangkop na hakbang na walang kinikilingan upang matukoy ang katotohanan sa likod ng pagpatay.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Lahat umano ng responsable o sangkot sa pagpatay na ito kabilang ang mga nag-utos sa kanila ay dapat dalhin sa hustisya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na ebidensiya laban sa kanila.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Nakatakdang ipagpatuloy ng Department of Justice prosecution panel ang preliminary investigation sa kaso ngayong buwan matapos i-deny ang apela ni suspended corrections chief Gerald Bantag na pangunahing respondent sa kaso.//CA