Dapat pakinggan muna ng senado ang posiyon ng agriculture sector bago sumang-ayon sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.
Bagamat suportado ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang RCEP, sinabi niyang dapat mabigyan ng tamang panahon ang mga may tutol rito na magsalita tulad ng mga magsasaka at mga mangingisda.

Iminungkahi niya sa Department of Agriculture na seryosohin ang pagpapatupad ng mga programa nito bilang concession sa mga magsasaka na tutol sa ratipikasyon ng RCEP.
Ang RCEP ay isang free trade agreement na sumasaklaw sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN at mga partners nito sa Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand.//CA