VP Sara, sa Senado magpapakita

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na dadalo siya sa budget deliberations para sa kanyang tanggapan pagdating sa Senado.

Sa press briefing sa Office of the Vice President sa Mandaluyong ngayong araw, sinabi ni Duterte na hindi na siya umaasang madadagdagan ang kanilang panukalang budget sa 2025.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Kasunod ito ng rekomendasyon ng Appropriations Committee sa Kamara na tapyasan ang 2.037 billion pesos na budget ng OVP patungong 733.2 million pesos.

Giit ni Duterte, pagdating sa bicameral conference committee ay wala namang ibang nasusunod kundi sina House Speaker Martin Romualdez at Appropriations Chairman Elizaldy Co.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Dagdag pa ng pangalawang pangulo, titingnan nila kung ano ang magagawa sa mahigit 700 million pesos ngunit mananatili pa rin ang trabaho ng OVP.