VP Sara, pumalag sa mga nagsasabing dapat galing sa education sector ang susunod kalihim ng DepEd

Binweltahan ni resigned Department of Education (DepEd), Secretary at Vice President Sara Duterte ang mga grupong nagsasabing dapat mula sa education sector ang susunod na kalihim ng DepEd.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na ang posisyon ng Secretary ay ‘position of trust and confidence.’

Naniniwala rin siya na isang leader at manager dapat ang isang education secretary.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Kasabay nito, iginiit niya na walang nakalagay na requirements para sa isang pinuno ng DepEd.

Paliwanag pa ng resigned secretary, sa Southeast Asia – hindi lahat ng education secretaries ay mula sa sektor ng edukasyon.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Mababatid na una nang ipinanawagan ng Teachers’ Dignity Coalition na dapat ay may background sa education ang kalihim ng kagawaran upang mailayo ito sa pulitika.

Samantala, wala naman daw ideya si Duterte hinggil sa papalit sa kaniya bilang kalihim DepEd.

Sino man daw ang i-appoint ng Pangulo ay welcome sa kaniya.