Bilang ng mga barko ng China na na-monitor ng Navy sa Ayungin shoal, nadagdagan

Nadagdagan ang bilang ng mga barko ng China na na-monitor sa Ayungin shoal.

Sa datus ng Philippine Navy, mula June 18 hanggang June 24, naka-monitor ng kabuuang 44 na barko ng China sa Ayungin.

34 rito ay China Maritime Militia, 4 ang People’s Liberation Army Navy at 6 ang China Coast Guard vessels.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Ang namonitor na mga barko ay matapos ang nangyaring agersibong aksyon ng China sa mga sundalong Pinoy na nagsagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Mas mataas ang bilang na ito sa 39 na mga barko ng China na na-monitori noong June 11 hanggang June 17.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Kung pagbabasehan ang datos ng Navy ay tumaasang mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Mula kasi sa 121 na bilang noong nakaraang linggo, ay bumaba ito ngayon sa 129.