VP Sara – pumalag sa alegasyong siya ang nasa likod ng DDS

Hinamon ni Vice President Sara Duterte ang self-confessed Davao Death Squad member na si Arturo Lascañas na sampahan siya ng kasong murder, kung totoo man ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Sa isang video message – idiniin ni VP Duterte na walang katotohanang siya ang nasa likod ng Davao Death Squad, ‘o ‘yung mas kilala sa tawag na DDS.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Aniya, ‘bago’ raw ang ‘script’ na ito at hindi naman siya naiuugnay sa naturang grupo noon.

Bigla na lamang daw siyang idinawit dito nang maging Vice President siya.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sabi pa ni VP Duterte, malinaw daw na sadyang pinilit lamang na maidawit ang kaniyang pangalan.

Sa huli, sinabi ng opisyal na kasuhan siya ng murder dito sa mga Korte sa Pilipinas, at hindi sa ibang bansa.
#