VP Sara, dedma sa sasabihin ng publiko sa pag-resign niya bilang kalihim ng DepEd

Hindi na umano iniisip ni Vice President Sara Duterte ang iisipin at reaksyon ng mga tao sa pag-bitiw niya sa pwesto bilang kalihim ng Department of Education.

Ayon kay VP Sara, inisip lang niya kung ano ang mas makakabuti sa DepEd.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Dagdag pa niya, hindi rin niya kinonsulta sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon niyang bumaba sa pwesto bilang kalihim ng edukasyon.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Saad ni VP Duterte, nakatutok siya ngayon sa pagiging Vice President at mayroong 10 proyekto ang kanyang tanggapan.

Giit niya na hindi kahinaan ang dahilan sa pagbitiw niya.