Iginiit ng Philippine Coast Guard na hindi na kailangan ng foreign support ng Pilipinas ang pagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Matatandaan na binangga ng barko ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission Ayungin Shoal noong Hunyo 17 dahilan para maputulan ng hinlalaki ang isa sa mga sundalong Pilipino.
Ayon pa sa Chinese Foreign Ministry ang pinakahuling tensyon sa Ayungin Shoal ay kasalanan umano ng Pilipinas.
Muli namang nanawagan ang DFA sa China na sumunod sa International Law lalo na sa United Nations Convention on the Law of the Sea at 2016 Arbitral Award na nagbabasura sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.